atake sa dilim
Sa paglalakad sa madilim na kalye
Ang kinatatakutan ay umatake
Nakita ng bata'y higanteng bulate
Kakaiba, may boses na pambabae
Mag-isa't gulat, ang bata'y napasigaw
'Di mapigilan, siya'y hiyaw nang hiyaw
Batang iyon pala'y takot ni may araw,
Doon sa bulateng malikot gumalaw.
May nakarinig kaya ng kanyang tinig?
Sa laki ng takot 'yang bata'y nanginig
Hindi nakakilos, ni 'di makatindig
Ang umuwi sana ay kanya nang ibig.
May tutulong kaya sa takot na bata?
Ang batang lumakad sa dilim mag-isa
"Wag nang lumabas" sabi ng kanyang ina
Ngayon ya?ng kapalit sa pagsuway niya.
Sa kalyeng madilim, bata'y nanginginig
Sa kayang sigaw ay walang dumidinig
Ang higanting bulate pala'y may tinig
Kainin ang bata'y kanya palang ibig.
Ang walang laban na bata ay naiyak
Habang higanting bulate'y humalakhak
Bulate'y tuwang-tuwa, galak na galak
Nang ang iyaking bata, siya ay sinapak!
Gamit ang tsinelas, bulate'y pinalo
Takot at tapang sa bata ang naghalo
"Mahiwagang tsinelas, aking pamalo!
Higanting bulate?y aking matatalo!"
Mga palo dito, mga sigaw doon,
Ang iyaking bata'y di na takot ngayon.
Takot sa bulate ay noon naglaon
Nang sa kanyang panaginip sya'y bumangon.
bangag na tula para sa pinoi3. -+reish.14nov05.
2 Comments:
oh yeah:D ang bangag niya.. nagpapatunay lamang na kami ay
mag-ina! >,<
hahaha! kahit wala kang pangalan. ikaw anonymous ay ang aking anak! yehh. jaki salamat sa pagdaan. sana napatawa ka or something nito.. cheer up :)
-+krishna.27nov05.
Post a Comment
<< Home