Friday, May 05, 2006

Aylabyu Tu Deth

"Aray!"

"Bakit ba lagi mo na lang akong pinapalo,
Kahit wala naman akong ginagawa sa yo?
Bakit ba lagi mo na lang akong sinisigawan,
Kahit biro ko'y nakakatawa naman?
Bakit ba lagi mo na lang akong sinusuntok,
Tinutulak, sinasapak at ginugulo ang buhok?"

"Ano bang nagawa ko?
Ano ang nagawang mali?
Bakit kay laki ng iyong mistulang galit?
Ano bang nagawa ko?
Ano ang nagawang mali?
Lagi mo lang ba akong bibigyan ng sakit?"

Iyong mga tanong,
Di ko na lamang sasagutin
Aking mga kasagutan,
Sa akin na lang,
Di ko na sasabihin.

Sabihin na lang nating,
Ang "the more you hate, the more you love" ay totoo sa akin..

Kaya ingat, mahal
Baka sa susunod ika'y lunurin,
Sunugin,
Tapakan,
O kaya'y ipakain pa sa pating...

Ngunit mukhang kailangan ko na itong pigilan
Itigil ang damdamin
Itigil ang pagmamahalan
Sapagkat aking kinatatakutan
Na sa susunod,
Mahal,
Ika'y mapatay ko na.

// Brutal kung brutal ang pag-ibig. HAHAHA.
-+reish.03may06.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home