Friday, May 05, 2006

SG Man

Si Sapot Man at si Gitara Man,
Baw.

Ako'y nabihag nitong si Sapot Man
Na tila isang insekto,
Naliligaw
Naglalakad
Lumilipad
Hanggang sa mahuli ng kanyang sapot

"Nahuli mo ako,
Ngunit kakainin ba?"

Ako ri'y kanyang pinalaya.

Tuloy ang buhay.

Ako'y nabihag naman
Nitong si Gitara MAn
Ang kanyang musika
Ang kanyang boses
Ang kanyang kanta,
At ang gitara niyang maganda

"Palalayain pa ba ako,
Ng tugtugin mong kabigha-bighani?"

Ako ri'y kanyang pinabayaan.

Tuloy ang buhay.

Si Sapot Man at si Gitara Man,
Baw.

Nakilala ko sa aking paglalakbay,
Sa paghahanap ng di malaman kung ano...
Nahagilap sa isang paglalakbay,
Sa gitna ng paglalakad at paglipad-lipad.

Noo'y di malaman kung saan paroroon
Hanggang sa nakilala...
Si Sapot Man at si Gitara Man
Ako'y binihag,
Ngunit pinakawalan din.

Ngayon di pa rin alam kung saan paroroon
Sana ba'y di na lamang pinalaya noon?

Si Sapot Man at si Gitara Man,
Ay iisa,
Baw.

Tuloy ang buhay.

// di naman obvious kung tungkol saan at kanino to ah. :P
// salamat sa inspirasyong magsulat muli, SG Man. :)
-+reish.04may06.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home