fil journ 2
Ang magbasa ng artikulo o panitikan sa Ingles at ang kasunod nitong pagsusulat at pagwawasto sa Tagalog. Noong una ay hindi ko naisip na magiging mahirap ito. Pero ngayon, habang nag-aayos ako ng mga artikulo na ipapasa sa klase ngayong linggo, halos malanta ang isip ko sa pagtatagalog ng mga kaisipang nasa Ingles. Ito?y mahirap at nakakapagod, pero kailangang gawin.
Minsan nga ay napaisip ako. Bakit ko ba kasi naisipang pumasok sa Filipino Journalism 2 noon, habang pumasa naman ako sa inasam ng marami na Visual Communication para sa elective? Hindi naman ako nagdaan sa Fil Journ 1; hindi ko ba naisip na maaaring mahirapan talaga ako? Isa pa, isa na ako sa mga taong nagsasabi na mukhang mas madali ang magsulat ng balita sa wikang Ingles kaysa sa Filipino. Oo, Pilipino ako, nakapagsusulat at nakapagsasalita ng Tagalog. Ngunit iba pa rin ang pagsusulat ng balita sa Tagalog, lalung-lalo na kung balitang pang-agham editor ka pa. Mapapaisip ka talaga sa pagsasalin ng mga salitang pang-teknolohiya sa Filipino! (Sige nga, ikaw, ano ang Tagalong ng ?next generation console??) May mga panahong napapaisip lang talaga ako kung bakit ko pinasok ang Fil Journ 2.
Hindi madali ang mga gawain. Mahirap maghintay o maghabol sa mga kamag-aral para sa kanilang mga artikulo. Mahirap magsalin ng mga kaisipan sa Filipino kung medyo nasanay ka na sa ?Taglish?. Mahirap maging Filipino journalist.
Pero sa isang banda, naisip ko rin na maaaring may mabuti akong makukuha sa Fil Journ kung magtitiyaga lang ako. Marahil, pagkalipas ng ilang linggo o buwan ay mas mahusay na ako sa pagsasalita at pagsusulat gamit ang sarili nating wika. Marahil ay mababawasan na ang aking pagsasalita gamit ang Taglish. Marahil ay mas marami akong makikilalang tao. Marahil ay mas magkakaroon na ako ng malay ukol sa mga pangyayari sa paaralan. Marahil ay mas pahahalagahan ko na ang kumpol ng mga papel na may lamang balita na ibinibigay sa amin dalawang beses sa isang school year. Marahil ay mas marami na ang maiintndihan at malalaman ko tungkol sa aking kapaligiran. Marahil ay mabuti ang maibubunga sa akin ng pagsapi ko sa grupo ng mga mag-aaral na bumubuo ng Fil Journ 2. Marahil ay kailangan ko lang ng tiyaga at pagsisikap, at iwasang magreklamo o bumigay sa mga pagsubok. Simple lang naman ang pagsasalin ng kaisipan sa Filipino. Simple lang naman ang pagsusulat at pagsasalita gamit ang sariling wika nang diretso at maayos. Kailangan lang magsanay.
Sa puntong ito, kukumbinsihin ko muna ang aking sarili na isantabi ang mga reklamo. Alam ko naman, at sana?y alam din ng aking mga kasama, na hindi mananatiling buhay ang Fil Journ kung wala itong saysay. May patutunguhan kaming mabuti, kailangan lang naming magtiyaga pa nang kaunti. At isa pa, ang elective na ito ay hindi lang naman makakatulong sa aming mga taga-Fil Journ, kung hindi pati na rin sa lahat ng aming mga nakakasalamuha sa Pisay.
// frustrated ako sa unang article-submission date eh. :P but i was hopeful. very.
-+reish.11july06.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home