Pulubi // r
Nandiyan na naman siya, alas tres na ng umaga at sa sopa na naman siya nakatulog. Ang aking ina -- ang pinakamamahal kong ina, may mga pasa at tila ay may karamdaman -- ay inabot na naman ng madaling araw sa paghihintay sa iyo. Alam kong hindi kumportableng tulugan ang bago nating sopa kung ikukumpara sa king-sized water bed sa kwarto ninyo, pero nandyan siya, nakatulog na naman sa paghihintay sa iyong pag-uwi.
Nasaan ka na naman ba?
Nasaan ka na naman ba?
May pagtitipun-tipon na naman ba ang kumpanya mo? Tulad na naman noong isang gabi? Tunay na matagumpay talaga ang kumpanya niyo. "Big time" kung baga iyang Construction and Supplies, Inc. ninyo, isang kilala at malaking supplier ng construction materials sa bansa, ang isang napakalaking samahan ng mga inhinyero, manggagawa, arkitekto, lahat na. Yan ang malaking kumpanya mong pinagkukunan ng suporta ng masagana nating buhay. Ang kumpanyang iyan -- may pagtitipun-tipon na naman ba kayo? Uuwi ka na naman ba nang may tama?
"Kailangan kong pagtuunan ng pansin ang trabaho ko. Hindi ko maaaring pabayaan ang kumpanya. Dito nanggagaling ang pera natin, ang allowance mo, ang pampagawa sa mga bahay at resthouse natin, ang pambili ng mga kotse, musical instruments mo, kompyuter, lahat-lahat! Kailangan kong magtrabaho at ipakitang mahalaga ang kumpanya para manatiling masagana ang buhay natin."
Oo na, ama. Lagi mong sinasabi sa akin 'yan. Oo, naiintindihan kita. Iyang trabaho mo ang bumubuhay sa akin. Paano na nga lang ba ako kung bigla tayong mamulubi? Ilang kabataan ang kasingswerte at kasingyaman ko sa mundo ngayon? Ilang kabataan ang ganito kasaya sa materyal na aspeto?
Ngunit siguro nga ay hanggang doon na lang ako -- materyal na mundo.
Kahapon ay nagising na naman ako na naka-alis ka na ng bahay. Kami na lamang ni ina ang laging sabay na nag-aalmusal. Siya lang ang nag-aasikaso sa akin tuwing umaga. Bakit ang mga kamag-aral ko, hinahatid ng ama at ina nila, at sinasabihang ?mag-ingat ka anak..? ng mga magulang? Bakit kahit kailan ay si ina lamang ang gumagawa noon sa akin? Hindi mo ba ako makakayanang asikasuhin nang kahit isang umaga lamang?
Mag-iilang minuto ko na ring tinititigan ang walang ka-galaw-galaw kong ina na natutulog sa sopa. Naka-upo lang ako dito sa hagdanan habang tinititigan ang may mga pasa at tila may karamdamang babaeng iyon na nakatulog na sa paghihintay sa iyo -- sa iyo na naman.
Napatayo ako at dali-daling umakyat para magtago sa may pintuan ng aking kwarto nang marinig kong may tila rumaragasang sasakyang papadating. Dito ako muli manonood ng eksena sa tabi ng pinto kung saan ay kitang-kita ko ang pintuan ng ating bahay at ang sala.
Tama ako, nandyan ka na. Nang dumating ang segundong naisip ko iyon, alam kong ninais kong mabulag, mabingi, magtago. Pero hindi ganoon ang nangyari. Kinabahan ako. Ayoko na sanang muling masaksihan ang isang eksenang bata pa lamang ako ay paulit-ulit ko nang napapanood. Ayoko na. Ayoko na, pero ngayong madaling-araw, ayoko na ring dagdagan mong muli ang mga pasa at sugat sa katawan ng kaisa-isang taong nagpakita ng pagmamahal sa akin.
Pinagmasdan ko ang sala, at nakita kitang pumasok ng pintuan, magulo ang kasuotan, tabingi ang lakad, at alam ko, kung maaamoy ko ang hininga mo ay mahihilo ako sa amoy ng alak. Tahimik na nanlilisik ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang lasing na lalaking siguradong manggugulong muli.
Noong una ay tahimik akong nagmamasid ngunit maya-maya pa ay mabilis akong tumakbo pababa ng hagdanan at inipon ang aking lakas para suntukin at sigawan ang lalaking sumisipa sa tulog kong inang walang ka-laban-laban at ilang oras siyang hinintay. Buong lakas at tapang kong sinuntok at sinigawan ang lalaking bayolenteng bumubugbog sa pinakamamahal kong ina. Marahil nga ay masyado akong maliit o bata para subukang labanan ang isang lasing na hindi ko na maintindihan, ngunit ano pa ba ang magagawa ko? Ano?
Wala kang utang na loob. Wala kang kwenta.
Tinulak mo ako, at tulad ni ina, ay sinigawan mo. Dati ay hindi mo sinisigawan ang kaisa-isa mong anak, ngunit iba na pala ngayon. Hanggang ngayon ay nanlilisik ang mga mata kong nakatitig pa rin sa iyo. Habang nananatili ako sa aking pagkakaupo dahil sa lakas ng pagtulak mo ay tahimik kong pinakikinggan ang iyong mga sigaw.
"Bakit ka nandito?! Bakit gising ka pa? Putang-inang bata! Lumayas ka sa harap ko! Hindi kita kailangan ngayon! Putang-ina!" At sabay sinampal mo ako.
Sinampal mo ako. Kung dati ay hindi mo man lamang ako pinapansin, kinakausap, tinitignan, pinagtutuunan ng pansin, bakit ngayon ay nagawa mo akong saktan? Hindi ko man lamang maintindihan kung sampal o suntok ang ibinigay mo sa akin, pero alam kong ang paghataw mo ang nagtanggal sa isa o dalawa kong ngipin. Ganoon kalakas at ka-tindi ang nagawa mo sa batang sa tingin ko ay hindi mo man lamang kinilala kahit kailan. Itinaas mong muli ang iyong kamay, kasabay ng pagmura at pagsigaw sa akin, at agad akong tumayo at tumakbo paakyat ng hagdan.
Hindi ko na nilingon si ina sa aking pagtakbo, pero sa gilid ng aking mata ay napansin ko ang paghataw mo sa nanghihina at pagod niyang katawan. Ang sigawan at pagbagsak ng mga gamit sa sahig kasabay ng pag-iyak ni ina lamang ang mga tangi kong naririnig.
Pilit kong binuhat ang mabigat kong kalooban paakyat sa kwarto ninyo.
"Hindi ko siya kayang kalabanin ng malapitan. INA! Hindi kita pababayaan! Kailangan na nitong matigil! Hindi ko na kaya!"
"Ang drawer sa kwarto nila.. nandoon ang 4.5 mm niya. Yun ang gagamitin ko."
Ginulo mo ang utak ko. Hindi ko na kaya. Tumakbo ako patungo sa inyong kwarto at dali-daling kinuha ang 4.5mm calibre sa drawer mo. Alam ko kung paano gamitin yun, at gagamitin ko yun ngayon madaling-araw.
Sa aking pagtitig sa armas na ngayon ko lang hinawakan ay tila natulala ako at nakalimot. Ano na nga ba ang nangyayari? Bakit hawak ko ito ngayon? Bata pa lamang ako ay kinatatakutan ko na ang instrumentong tinatawag nating baril. Kasabay ng pagbibigay ng bigat nito sa aking mga kamay ay ang pagbibigay ng pagkakataon ng bigat sa aking kalooban. Sa sandaling iyon ay tunay na naghalo ang pagkalito, takot at pangamba sa akin. Nagdadalawang isip na yata ako.
?HUWAAAAAGG!!!?
Tila naglaho ang pakiramdam ng pagdadalawang-isip nang marinig ko ang boses ni Ina. Alam kong sigaw niya ang aking narinig. Ano na ang nangyayari?!
Pagbalik sa may hagdan ay nakita kong nasa sahig ang pinakamamahal kong ina. Hindi ko malaman ang gagawin? Ano ba kasi ang kamaliang nagawa niya sa iyo? Bakit ganyan ka kung kumilos? ANO? BAKIT?
Bigalang nagdilim ang lahat. Katahimikan ang naghari sa loob ng ilang segundo matapos ang pagputok ng isang baril.
Bigalang nagdilim ang lahat. Katahimikan ang naghari sa loob ng ilang segundo matapos ang pagputok ng isang baril.
Sa sandaling iyon ay tila nakalimot ako. Marahil ay nakalimutan kong ama kita at isa ka sa mga dahilan kung bakit ako nabubuhay ngayon. Marahil ay nakalimutan ko na ang lahat maliban sa pagnanais kong ilayo sa kalupitan ng iyong mga kamay ang pinakamamahal kong ina. Marahil ay nakalimutan kong mag-isip muna bago gawin ang isang bagay na ngayon ko pa lamang nasubukan. Marahil ay nakalimutan kong kasamaan ang hinayaan kong maghari nang hayaan kong maglabas ng isang bala ang baril na hawak ko?
Sa sandaling katahimikang iyon ay tila naglaho ang lahat ? walang sigawan, walang iyakan, walang pagpapasakit. Ngunit may katahimikan man sa paligid, tila lalong naging magulo ang aking kalooban.
Nagdilim ang lahat. Katahimikan ang naghari sa loob ng ilang sigundo matapos ang putok ng baril.
"PUTANG-INA!!!"
May dugong umaagos sa sahig, ngunit bakit nakatayo ka pa rin?
Lalong bumilis ang pagkabog ng aking dibdib nang galit, sumisigaw, at nagwawala kang umakyat ng hagdan. Papalapit ka na sa akin. Pangamba, kaba, takot at galit ang mga namuno sa aking isipan sa pagkakataong nakita kong muli nang malapitan ang iyong mukha.
Naguguluhan man, tila may ibang nag-control sa aking kamay at mga daliri? isa pa muling sandaling ingay at pagkatapos ay katahimikan ang pinamunuan ng pagputok ng baril.
Naguguluhan man, tila may ibang nag-control sa aking kamay at mga daliri? isa pa muling sandaling ingay at pagkatapos ay katahimikan ang pinamunuan ng pagputok ng baril.
Sa wakas, Bumagsak ka rin.
Sa wakas, hindi mo na ako masasaktang muli. Minsan lamang nangyari iyon at sinisigurado kong hindi na muling mauulit pa. Sa wakas, nalabanan din kita. Hindi na ako ang batang nagtatago at umiiyak sa kwarto sa tuwing uuwi kang lasing at magwawala. Sa wakas, hindi mo na ako mapapatay sa takot.
Sa wakas, hindi mo na masasaktang muli si Ina, ang pinakamamahal kong ina.
Si Ina.
Nasaan si Ina?
Tila bigla akong iniwan ng kung anong bumulag at nagpakawala ng galit sa akin. Sa liwanag ng ilaw sa hagdan at sa sala ay nakita ko siya. Si Ina, at ang dugo niyang umaagos sa sala.
Oo nga, hindi mo na siya masasaktang muli, ama. Sigurado na ako diyan ngayon.
Umikot ang aking utak sa kawalan, sa pagkalito, sa pangangamba, sa takot na mas matindi sa dating naramdaman na, pero ang ilaw sa sala na nagpakintab sa kapulahan ng sahig ang nagbalik sa akin sa katotohanan.
Hindi mo na masasaktang muli si Ina, ngunit hindi ito ang aking tagumpay. Wala na siya. Wala na siya ngayon, at ikaw ang tangi kong sinisisi. Hindi ang baril na nakuha ko sa kwarto ninyo ang sinisisi ko, hindi rin ang baril na nagpabigat sa aking mga kamay at kalooban, hindi ang baril na ginamit ko laban sa iyo, hindi ang kasamaang nagawa ko, hindi ang pagkakataon, ngunit ikaw. Ikaw lamang ang aking sinisisi. Ano ang meron sa iyo at sinubukan ka pa niyang protektahan matapos ang lahat ng pagmamalupit mo? Ano?! Bakit?!
Wala na akong ibang nagawa kung hindi ang matulala sa napaka-importanteng dugo na hinayaan kong umagos sa sahig ng sala, ang dugong dati?y nananalatay sa katawan ng aking pinakamamahal na ina.
Ngayon ay ako na lamang at ang katahimikan ang magkasama.
Ilang kabataan ngayon ang tulad kong isa nang pulubi sa pagmamahal? Nag-iisa na nga ba ako?
? . . .?
Patawad ina. Patawad.
-+reish.28sept05. //revised version