Tuesday, November 15, 2005

atake sa dilim

Sa paglalakad sa madilim na kalye
Ang kinatatakutan ay umatake
Nakita ng bata'y higanteng bulate
Kakaiba, may boses na pambabae

Mag-isa't gulat, ang bata'y napasigaw
'Di mapigilan, siya'y hiyaw nang hiyaw
Batang iyon pala'y takot ni may araw,
Doon sa bulateng malikot gumalaw.

May nakarinig kaya ng kanyang tinig?
Sa laki ng takot 'yang bata'y nanginig
Hindi nakakilos, ni 'di makatindig
Ang umuwi sana ay kanya nang ibig.

May tutulong kaya sa takot na bata?
Ang batang lumakad sa dilim mag-isa
"Wag nang lumabas" sabi ng kanyang ina
Ngayon ya?ng kapalit sa pagsuway niya.

Sa kalyeng madilim, bata'y nanginginig

Sa kayang sigaw ay walang dumidinig
Ang higanting bulate pala'y may tinig
Kainin ang bata'y kanya palang ibig.

Ang walang laban na bata ay naiyak
Habang higanting bulate'y humalakhak
Bulate'y tuwang-tuwa, galak na galak
Nang ang iyaking bata, siya ay sinapak!

Gamit ang tsinelas, bulate'y pinalo
Takot at tapang sa bata ang naghalo
"Mahiwagang tsinelas, aking pamalo!
Higanting bulate?y aking matatalo!"

Mga palo dito, mga sigaw doon,
Ang iyaking bata'y di na takot ngayon.

Takot sa bulate ay noon naglaon
Nang sa kanyang panaginip sya'y bumangon.

bangag na tula para sa pinoi3. -+reish.14nov05.

dito sa mcdo

nasaan ka na?
nasaan na ang pinangakong pagdating?
sa paghihintay, anong mararating?
ang bawat minuto ng kasabikan ay kumikitil
sa buhay kong puno ng pagpipigil..

nais ko na sanang umalis.
'di ito ang unang paghihintay,
ilang beses na akong muntik mamatay
sa paghihintay, pananabik, paghahanap
sa iyo at sa pagmamahal mong hinahanap-hanap.

darating ka pa ba?
hindi ko alam kung may aasahan pa.
kung darating pa, aba't ngayon na
sawa na ang damdaming noo'y puno ng pag-asa
tangi lamang na kailangan ang ika'y makasama

sandali lang naman,
ngayon lang naman,
dumating ka na.
ako ba'y may dapat hintayin pa?
nasaan ka na?

parang ang cheesy. ngek.
-+reish14nov05.